TACLOBAN CITY – Aabot sa anim na kilong pampasabog ang narekober ng mga otoridad na palutang-lutang sa karagatang bahagi ng San Antonio, Northern Samar.
Ayon kay Col. Arnel Apud, provincial director ng Northern Samar Police Provincial Office, nakatanggap sila ng report mula sa ilang mga concerned citizen na mayroong daw materials ng improvised explosive device na nakitang palutang-lutang sa karagatan.
Kasama sa mga nakuha ng kapulisan ang aabot sa 5.6 kilos ng trinitrotuluene (TNT) at Pentaerythritol Tentranitrate (PETN) na pangunahing sangkap sa paggawa ng improvised explosive device (IED).
Maliban dito ay narekober din ang aabot sa 2,000 piraso ng empty blasting caps,
Napag-alaman na ito na ang pangatlong beses na sunod-sunod na nakarekober ng pampasabog ang mga kapulisan sa probinsya ng Northern Samar.