CAUAYAN CITY- Narekober ng mga kasapi ng 98 Infantry Battalion Philippine Army ang 28 piraso ng Improvised Explosive Device (IED) sa barangay Disulap, San Mariano Isabela.
Ang pagkakarekober sa naturang mga pampasabog ay resulta ng pinaIgting na focused Military operation laban sa mga kasapi ng New Peoples Army sa tulong na rin ng mga lokal na pamahalaan.
Ayon sa militar ang patuloy na paggamit ng IED’s ng makakaliwang grupo ay malinaw na paglabag sa Republic Act 9851 o ang batas na nagpapabasura sa paglabag sa Humanitarian Law,Genocide at iba pang crimes against humanity partikular ang paggamit ng mga ipinagbabawal na pampasabog tulad ng mga landmines.
Ikinatuwa ng pamunuan ng 5th Infantry Division Philippine Army ang naging ambag ng 98Infantry Battalion sa tagumpay ng anti-insurgency campaign ng miltar sa naturang bayan.