-- Advertisements --

Tinapos na ng transport group na Manibela at PISTON ang kanilang tigil-pasada.

Ayon sa grupo na babalik na sa pamamasada ang kanilang miyembro sa araw ng Marso 8.

Ito ay matapos ang pakikipagpulong nina PISTON president Mody Floranda at Manibela president Mar Valbuena sa mga opisyal ng MalacaƱang.

Kabilang sa nakipagpulong si Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil na dating namuno rin sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Magugunitang sinimulan nitong Lunes, Marso 6 ang isang-linggo sanang tigil pasada bilang pagkontra ng mga transport group sa isinusulong ng gobyerno ng Public Utility Vehicle (PUV) modernization program.