Ibinunyag ng ilang pampribadong ospital na nakararanas sila ng mabagal na release sa kanilang COVID-19 reimbursements mula Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Sinab ni Dr. Jose Rene De Grano, presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc (PHAPI), na kasalukuyan na silang nakikipag-usap sa naturang state-run insurance firm para mabayaran na ang mga unpaid claims.
Medyo may delay aniya sa bayad ng PhilHealth sa kanila ngunit nangako naman daw ang pamunuan ng PhilHealth na matatanggap ng mga ospital ang kanilang kaukulang reimbursement.
Tulad daw kasi ng Philippine Red Cross (PRC) ay may delay din sa payment na dapat ay matatanggap nila mula sa PhilHealth.
Magugunita noong Oktubre nang supendihin ng Red Cross ang pagsasagawa ng COVID-19 testing sa mga umuuwing overseas Filipino workers (OFWs) sa bansa dahil noong mga panahon na iyon ay umabot na nag halos P1 billion ang utang ng PhilHealth sa Red Cross.
Bago matapos ang nasabing buwan ay nagbigay na ang PhilHealth ng P500 million bilang paunang bayad sa Red Cross.
Aminado naman si De Grano na may ilang ospital din na bahagyang may pagkakamali dahil sa late reimbursements.