-- Advertisements --

Binigyang pagkilala ng National Housing Authority ang mga naging katuwang nito na mga pampubliko at pribadong sektor sa pamamagitan ng Convergence of Partners.

Ito ay bilang pagpapakita ng lubos na pasasalamat sa oras na inilaan ng mga ito sa implementasyon ng iba’t-ibang serbisyo ng ahensya at mga housing projects ng NHA.

Nanguna si NHA General Manager Joeben Tai at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar sa paggawad ng award bilang pagkilala sa mga naging katuwang nitong ahensya para community development.

Ang naturang panunumpa ay bilang pakikiisa rin sa tuloy-tuloy na kolaborasyon.

Tinalakay rin ni Gen. Manager Tai ang planong pagtatag ng isang programang pabahay para sa Cooperative Development Authority.

Ito ay isang programa na nais umanong ipaabot ng opisyal para sa mga empleyado ng iba pang mga ahensya na katuwang ng NHA sa taong 2024.

Samantala, ikinatuwa naman ni DHSUD Secretary Acuzar ang naging tagumpay ng NHA sa pagtulong sa implementasyon ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program ng kasalukuyang administrasyong Marcos Jr.

Kabilang naman sa nabigyan ng mga parangal at nakiisa sa programa ay ang

– Department of Human Settlements and Urban Development
– Commission on Population and Development
– Cooperative Development Authority
– Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry
– Department of Information and Communications Technology
– Department of Labor and Employment-Bureau of Local Employment
– Department of Science and Technology
– Department of Social Welfare and Development
– National Irrigation Administration
– Philippine Charity Sweepstakes Office
– Social Security System
– Department of National Defense
– Philippine National Police at iba pang ahensya