-- Advertisements --
Handa na ang mahigit 37,000 pampublikong paaralan ang gagamitin bilang polling precincts sa May 9 elections ayon sa Department of Educations (DepEd).
Sinabi DepEd Public Affairs Office director Marcelo Bragado na handa na rin ang mga guro na magsilbi bilang board of election inspectors matapos sumailalim sa training.
Gagawin naman ng mga nasabing paaralan ang “testing and sealing” ng mga vote counting machines ngayong Mayo 2 hanggang 7.
Tiniyak naman ni Bragado na ang mga health protocol laban sa pagkalat ng COVID-19 ay susundin sa mga paaralan sa pagsasagawa ng halalan.
Magugunitang, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan mula Mayo 2 hanggang 13, 2022, dahil sa mga aktibidad na may kaugnayan sa May 9 polls.