-- Advertisements --

Tinawag ni Pope Francis na isang “dust in the wind” ang nahuhumaling sa mga materyal na bagay, nalalason sa kapangyarihan at tagumpay na maituturing na madaling maglaho.

Sa pangunguna ng Santo Papa sa Ash Wednesday sa Rome, sinabi nito na ang maliit na abo na inilalagay sa mga noo ay isang pag-alala ang lahat ng ating mga naisin ay panandalian lamang.

Kahit gaano aniya tayo kasipag ay hindi natin madadala ang yaman sa kabilang buhay.

Ang lahat aniya ng mga makamundong realidad ay maglalaho din gaya ng alikabok sa hangin.