BAGUIO CITY – Lalo pang gumaganda ang iba’t-ibang parke sa lungsod ng Baguio dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay City Environment and Parks Management Office Asst. Head Rhenan Diwas, mas maganda ngayon ang pag-usbong at pamumukadkad ng mga pananim sa mga parke sa lungsod.
Ipinaliwanag niyang nahalata ng mga caretakers na mas maganda ngayon ang pamumukadkad ng mga bulaklakd dahil sa nabawasang polusyon habang nasa ilalim ng ECQ ang Baguio City.
Sinabi niyang noong Nobyembre ng nakaraaang taon ay tumagal lamang ng dalawa hanggang tatlong linggo ang bulaklak ng mga pananim sa lungsod nganit ngayon ay mas tumatagal ang halimuyak at pamumukad ng mga tanim sa mga parke.
Idinagdag ni Diwas na kitang-kita rin na mas tumatagal ang mga magagandang bulaklak ng mga mga pananim sa Session Road at Magsaysay Avenue, Baguio City.
Naniniwala ang opisyal na malaki ang naitulong ng kanselasyon ng mga aktibidad ng mga bisita sa lunsod sa pag-usbong at mamumukadkad ng mga pananim sa iba’t-ibang bahagi ng sentro ng City of Pines.