-- Advertisements --
Inanunsyo na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) ang mga nakatakdang ipangalan sa mga tatamang bagyo sa bansa, ngayong 2024.
Inaasahang 20 na bagyo ang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), ngunit karaniwang naghahanda ang PAGASA ng 25 na pangalan ng bagyo kung sakaling lumagpas man ito sa tinantyang bilang:
- Aghon
- Butchoy
- Carina
- Dindo
- Enteng
- Ferdie
- Gener
- Helen
- Igme
- Julian
- Kristine
- Leon
- Marce
- Nika
- Ofel
- Pepito
- Querubin
- Romina
- Siony
- Tonyo
- Upang
- Vicky
- Warren
- Yoyong
- Zosimo
Ang mga pangalan ng bagyo ay inuulit kada-apat na taon, maliban na lang kung ang mga bagyo ay nakapadulot ng malaking pinsala sa bansa kagaya ng bagyong Ondoy (2009) at Yolanda (2013).
Naglabas din ang PAGASA ng mga karagdagang 10 na pangalan ng tropical cyclones, kung sakaling lumagpas sa 25 ang papasok na bagyo.
- Alakdan
- Baldo
- Claro
- Dencio
- Estong
- Felipe
- Gomer
- Heling
- Ismael
- Julio