-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Napawi ng tuluyan ang pangamba at pagkabalisa ng milyun-milyong mga Kristiyano at maging nagmula sa ibang relihiyon na mayroong paggalang kay Pope Francis na kasalukuyang pinamunuan ang paniniwalang Romano Katoliko sa buong mundo.

Ito ay matapos tuluyang nag-negatibo umano ang swab sampling ng Santo Papa laban sa mga sintoma ng Coronavirus Disease (COVID-19) na laganap din sa bansang Italya.

Iniulat ng Bombo Radyo international correspondent na si Brian La Victoria ng Barangay Lapasan,Cagayan de Oro City at nagta-trabaho sa isang hotel sa North Italy na totoo na naalarma ang mga Italyo sa naglalabasan na mga ulat kaugnay sa kalusugan ng Santo Papa dahil sa banta ng virus.

Subalit napawi naman ang kanilang naramdamang pangamba matapos iniulat na negatibo ng sintoma ng bayrus bagkus simpleng ubo lamang ang iniinda ng 83 anyos na Santo Papa.

Una na ring kinansela ang mga schedule ni Pope Francis habang sumailalim ito sa normal regular checkup sa Vatican.

Magugunitang sinabi rin ni La Victoria na halos nabalik na sa normal ang buong Italya kahit lomobo ang bilang ng mga nag-positibo ng bayrus dahil ipinangako naman umano ng gobyerno na kontrolado nila ang buong sitwasyon.