-- Advertisements --

Tiniyak ng bagong talagang Finance Sec. Ralph Recto na handang handa na ng mga pangunahing estratehiya na makakatulong sa pagyabong ng ekonomiya ng Pilipinas .

Ayon kay Recto, plano ng kanyang liderato na palalakasin pa ang matagal nang matatag na mga economic fundamentals ng bansa.

Bukod dito ay ipagpatuloy rin ng kanyang liderato ang reporma ng ahensya at protektahan ang mga consumer mula sa epekto ng mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Binigyang pansin rin ng bagong kalihim ang mga mahahalagang reporma kabilang na ang mga kinakailangang pagbabago sa batas na may kinalaman sa kalakalan at pamumuhunan.

Tinalakay rin nito ang Public-Private Partnership Code, at ang Maharlika Investment Fund.

Iginiit naman ni Recto ang kailangang suporta para sa mga mahahalagang reporma sa buwis at iba pang concern sa pangangailangan sa fiscal discipline.

Kinilala din ng opisyal ang naging malaking kontribusyon ni outgoing Secretary Diokno at sinabing ito ay isang sterling performance.