Malaking tulong para maibsan ang pagtaas ng bilang ng kawalan ng trabaho kapag lubusan ng matuloy ang Build, Build, Build Program ng gobyerno.
Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, na bukod sa nasabing programa ng gobyerno ay makakatulong din sa nasabing pagbibigay ng trabaho ang pagpatuloy ng mga construction activities sa bansa.
Ikinakabahala kasi nito na baka aaboto sa mahigit na 4 million ang mawawalan ng trabaho sa bansa hanggang sa katapusan ng 2020 kapag magpatuloy pa ang coronvirus pandemic.
Ilan sa mga nakikitang solusyon ng kalihim ay ang pagbibigay ng P40-billion na wage subsidy program para matulungan ang mga kumpanya ngayong COVID-19 pandemic.
Naniniwala kasi ito na nagpapahina ng ekonomiya rin ang pagdami ng mga nawawalan ng trabaho.