-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nabasag umano ang 65C record sa pinakamainit na temperatura sa Vancouver, Canada matapos na umabot sa 50°C noong nakaraang linggo.

Sinabi ng residente ng British Columbia na si Erica Vandoormal sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan na kahapon ay bumaba na ang temperatura at umabot na lamang sa 31°C.

Nagtutungo ang mga tao sa mga mall at mga itinalagang cooling center para maiwasan ang epekto ng matinding init ng panahon.

Nagkakaubusan na ng mga panindang electric fans sa mga mall dahil maraming bumibili sa Vancouver.

Bukod sa mga namamatay na tao lalo na ang mga matatanda ay marami ring namamatay na pet na aso at pusa dahil sa heat wave.