-- Advertisements --
image 672

Maagang naghahanda ang Philippine Ports Authority (PPA) para sa muling pagbuhos ng mga pasahero sa nalalapit na peak season pati na sa long weekend sa darating na Oktubre.

Ayon kay PPA Spokesperson Eunice Samonte, ngayon pa lamang ay nagbukas na at nag-expand sila ng mga bagong pantalan upang maiwasan ang siksikan at hindi maabala ang mga pasahero.

Sinabi ni Samonte na kasama sa mga pantalan na inaasahang dadami ang mananakay ay sa Port of Batangas, Port of Calapan, Port of Iloilo at Port of Panay.

Inamin nito na ang nagiging problema lamang kapag peak season ay may mga stranded na mga pasahero, kung masama ang lagay ng panahon o may iba pang sanhi ng delays.

Kaya umaasa sila na magkaroon ng mga dagdag na barko para tuloy-tuloy ang biyahe at hindi mahirapan ang mga pasahero.

Pero lagi pa rin silang naka-abang sa mga abiso ng mga meteorologist.