-- Advertisements --
Wala pa ring patid ang buhos ng mga pasahero sa mga pantalan sa bansa matapos ang mahaba-habang pagdiriwang ng holiday season.
Batay sa datos ng PCG, as of January 3, 2024, naitala ng kanilang ahensya ang mahigit 190,000 na outbound passengers at mahigit 187,000 inbound passengers sa buong bansa.
Aabot rin sa 1,745 vessels at 2,156 motorbancas ang matagumpay na sinuri ng kanilang mga tauhan.
Pangunahing layunin ng hakbang na ito na matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero pabalik mula sa kanilang mga lugar matapos ang mahabang bakasyon.
Samantala , natapos na ang deklarasyon ng heightened alert para sa pagmomonitor ng buhos ng mga pasahero.