Suportado ng ilang mambabatas ang panukalang batas na magbibigay ng student loans payment sa panahon ng sakuna at mga di inaasahang pangyayari.
Ang mga panukalang batas na ito ay ang House Bill No. 5462, House Bill No. 7279 at ang House Bill 7710 o ang An Act for Moratorium On the payment of student loans during disasters and other emergencies.
Malaki raw ang maitutulong nito sa mga mag aaral upang makabangon sakaling lubos na ma apektohan ng ano mang kalamidad.
Kaya naman, suportado ito ni Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel bilang siya ang kumakatawan at nagsisilbing ng kabataan.
Samantala, pinag aaralan naman ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ang posibleng maging impact nitong mga panukalang batas.
Bagamat marami pang mga kailangan busisiin ay nakikita naman ng ahensya ang magandang layunin nito, ang tulungan ang mga mag aaral lalong lalo na ang walang gaanong kapasidad sa pinansyal na aspeto.
Dahil sa suporta at positibong komento ay inaprubahan ang mga panukalang batas sa naganap na hearing ng committee on higher and technical education kasama ang committee on disaster resilience.