-- Advertisements --
Nananatiling bukas ng gobyerno sa pagsusuri ay pagbabago ng ilang mga alituntunin na nakasaad sa ilalim ng Executive Order no. 62.
Ito ang inihayag ng pamunuan ng National Economic and Development Authority sa isang panayam.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, naka saad sa naturang kautusan ang pagpapatupad ng pagsusuri depende sa sitwasyon.
Aniya, ito ay parte pa rin ng ginagawang hakbang ng gobyerno upang matiyak ang maayos na pangangalaga sa purchasing power ng mamamayang Pilipino.
Samantala, dahil sa EO, posibleng bumaba ang presyo ng mga imported na bigas.
Ito ay maglalaro mula ₱6 hanggang ₱7 sa kada kilo ayon sa NEDA.