BUTUAN CITY – Nagpalabas na ng warning ang pamahalaan ng Texas sa Estados Unidos na ilagay sa ligtas na lugar sa bahay ang mga bata dahil sa limang araw ng snow storm.
Ayon sa Butuanong si Joeville Breeding direkta mula sa Texas, limang araw na silang na-stock sa kanilang bahay dahil sa matinding snow storm kungsaan negative 21 ang kanilang temperatura sa ngayon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Breeding na simula sa 12-taon niyang pagtira sa nasabing estado, ngayon lang nangyari na lumampas sa dalawa o tatlong araw ang snow storm sanhi ng sobrang lamig na kanilang nararamdaman kungsaan halos walang epekto ang kanilang heater dahil umabot na sa 5-pulgada ang kapal ng yelo.
Dagdag pa kay Breeding, nag-anunsyo ang kanilang pamahalaan na kailangang ligtas ang mgabata dahil sila ang prone sa mga snow bites na maaaring pumatay dahil tagos hanggang kalamnan ang lamig ng panahon.
Sa ngayo’y dalawng araw ng sarado ang kanilang mga paaralan pati na rin ang mga grocery at convenient stores maliban lamang sa mga ospital.
Noon pa lang umanong Biernes ay pinayuhan na sila ng lokal na pamahalaan mag-grocery na tatagal ng isang linggo ngunit binalewala mang ito sa karamihang mga residente dahil sa pag-aakalang tatagal lang ng 2 o kaya’y 3 araw ang snow storm.