-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Pinag-usapan ng mga alkalde ng Baguio, La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba and Tublay (BLISTT) Area ang mga isasagawang hakbang upang maiwasan ang lalong pagkalat ng COVID-19 ngayong Yuletide Season.

Nagpulong ang mga alkalde kasama ang mga kinatawan ng World Health Organization-Philippines.

Tiniyak ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na magpapahiram ang Baguio City ng mga isolation beds sa mga bayan na makakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 ngayong holiday season.

Aniya, idedeploy din ang mga contact tracers ng lunsod sa bahagi ng BLISTT na makakapagtala ng mataas na kaso.

Kaugnay nito, ipinayo ng WHO-Philippines ang tuloy-tuloy na monitoring sa sitwasyon ng COVID-19 sa lokalidad.

Inirekomenda ang pagpapatupad ng mas mahigpit na border control, surge capacity at iba pang hakbang para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.