-- Advertisements --

Pinasinungalingan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang ilang mga paratang ng dating administrasyon hinggil sa pagbebenta nito ng bahagi ng gold reserves ng bansa.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr., ang kanilang desisyon sa pagbebenta ng bahagi ng gold reserves ng Pilipinas ay bunsod ng mga strategic portfolio management nito.

Giit ng opisyal na ang hakbang na ito ay hindi ginawa para sa pansariling interes ng BSP.

Aniya, ang ginto ay nananatiling bahagi ng kanilang diversified portfolio.

Aminado rin ang opisyal na ang malaking bahagi ng kanilang assets ay nasa dolyar.

Nagbenta aniya sila ng ginto dahil tumaas kamakailan ang presyo nito sa ideal ratio na 8% hanggang 10%.

Una nang pinaratangan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ‘pagkakanulo’ sa yaman ng bansa ang naging hakbang ng BSP.