-- Advertisements --

Tiniyak ng Quezon City Government na ligtas sa mga bata ang lahat ng mga parke sa kanilang lungsod.

Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na regular nilang tinitignan at isinasagawa ang inspections sa mga park.

Lahat aniya ng mga 17 park ay maituturing na Child-friendly zone.

Isa sa mga bagong park na muling binuksan ay ang Blue Ridge Park sa District III ng lungsod.

Kung saan bukod sa puwedeng mag-picnic ang mga magkakamag-anak ay mayroong ding mga dissenfection at handwashing area.

Layon kasi ng lungsod ang pagpreserved ng mga open space sa lungsod para mahikayat ang mga residente lalo na mga kabataan na lumabas.

Pagtitiyak ng city government na mayroong mga nakatalaga silang mga tauhan para magpaalala sa mga bata at mga tao na nagpupunta sa mga park na sundin ang ipinapatupad na health protocols.