-- Advertisements --

Isinara ng China ang mga parke, shopping malls, at museums matapos ang pagtaas muli ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Magsasagawa kasi ang China ng malawakang COVID-19 testing sa mga isinarang establishimento bilang bahagi ng kanilang kampanya laban sa nasabing virus.

Umaabot kasi sa mahigit 28,000 na kaso ng COVID-19 ang naitala sa China.

Ilan sa mga lugar na may mataas na kaso ay ang lungsod ng Guangzhou at bayan ng Chongqing.

Nananatili kasi ang China na may mahigpit na COVID-19 restrictions kabilang ang mga border na sarado pa rin ng mahigit tatlong taon na.