-- Advertisements --
Pinailawan na ng Makati City government ang dalawang kilometrong haba ng Christmas parol at pailaw sa Ayala Avenue.
Pinangunahan ni Makati City Mayor Abby Binay ang pagpapailaw ng Christmas decorations sa lugar.
Ang nasabing mga parol na ginamit ngayong taon ay gawa sa shell na capiz na dinisenyo ni Zenas Pineda.
May mga recycled materials na ginamit din sa iba’t ibang parol na nakakabit sa kahabaan ng Ayala avenue.
May nakatalaga naman kapulisan sa lugar para magpaalala sa mga health protocols.