DAVAO CITY – Sinimulan ng ilagay ang mga Christmas lanterns na gawa mismo ng mga inmates galing sa Davao City Jail.
Itoy magsisilbing palamuti sa lungsod ng Davao lalong -lalo na sa papalapit na panahon ng kapaskohan.
Ilalagay ang nasabing mga parol sa pangunahing mga daan sa lungsod, sa harap mismo ng Davao City Hall at ng Sangguniang Panlungsod. May isasabit din sa mga center islands at sa labindalawang parke salungsod.
Kinumpirma ni Winnie Rose Galay-Bulig, Officer-In-Charge ng Museo Dabawenyo, na aabot sa 300 na mga parol ang inorder ng lokal na pamahalaan mula sa mga PDLs ng Davao City Jail kung saan, mabibigyan din ng monetary compensation ang mga inmates galing sa mismong proyekto.
Saad pa ng opisyal na eco-friendly ang produktong parol ng mga PDLs ng Davao City Jail dahil gawa ito sa bamboo o kawayan at recycled materials ang mga parol na karamihan ay ginamit na noong nga nakaraang taon pa.
Dinisenyo ang parol batay sa tema ng lungsod ngayong taon na Fairyland kung saan bida ang mga kulay na yellow, green at red.
Ilalagay at isasabit din ang iba pang mga lanterns bilang dekorasyon sa mga poste, overpass,flyover at sa itatakdang pagpapatayo ng 45-feet Christmas tree sa labas mismo ng City Hall.