-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Walang nasugatan sa tinatayang 30 mga pasahero ng isang bus unit ng Bachelor Express Incorporated o BEI matapos itong masunog kaninang umaga.
Ayon kay Police Staff Sergeant Junvic Guzon sa eksklusibong pnayam ng Bombo Radyo, mula pa sa bayan ng La Paz, Agusan del Sur ang nasabing bus at patungo sana ng Butuan City ngunit pagsapit nito sa Purok 4, Brgy. Poblacion ng Bayugan City, lalawigan ng Agusan del Sur, bigla na lang itong umusok kung kaya’t pinababa na ng driver ang kanyang mga pasahero.
Ayon pa sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection o BFP-Bayugan, mula sa nag-spark na wiring sa makina ng bus ang apoy na mabilis namang kumalat sa buong bus.