Inanunsiyo ng Bureau of Quarantine (BOQ) na hindi nagpositibo sa COVID-19 ang mga dumating na pasahero sa bansa bago ianunsiyo ang travel protocol noong Nobyembre 28.
Sinabi ni BOQ Deputy Director Dr. Robert Salvador, na lahat ng mga pasaherong dumating ay kanilang na-trace.
Nauna ng nagpatupad ang bansa ng pagbabawal sa pagpapapasok sa mga mamamayan na galing sa mga red list countries o ang lugar na mayroong mataas na kaso ng COVID-19 tranmission dahi sa na rin sa banta ng Omicron variant.
Inilagay din ng gobyerno ang 14 na bansa sa red list o pagbabawal na makapasok sa bansa at ito ay ang mga Austria, Czech Republic, Hungary, the Netherlands, Switzerland, Belgium, Italy, South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, at Mozambique ng hanggang Disyembre 15.