Ipinag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa mga opisyal ng Metro Rail Transport Line 3 (MRT3) na sasampahan ng kaso ang mga pasahero na pilit buksan at sumasandal sa pintuan ng tren.
Ayon sa kalihim ito kasi ang nagiging sanhi minsan sa pagka-abala sa operasyon ng tren.
Pahayag ni Tugade simula ngayon ang lahat ng mahuhuling sumasandal o nagpipilit magbukas ng pinto ng tren kahit sarado na ay kakasuhan.
Layon ng pagsasampa ng kaso ay para madisiplina ang mga ilang mga pasaway na pasahero.
Ang pahayag ni Tugade ay kasunod sa insidente nuong Biyernes kung saan libu-libong mga pasahero ang pinababa sa may bahagi ng Santolan-Annapolis station southbound dahil sa problema ng hindi pagsasara ng pinto ng tren.
At ang dahilan umano dito na may isang indbidwal na pilit pumasok habang sarado na ang pinto.
Pina-iimbestigahan na ni Tugade ang insidente sa mga opisyal ng MRT3 para matukoy ang pagkakakilanlan ng nasabing indibidwal.
Aniya, wala umanong naging problema sa tren pero dahil sa pagpupumilit ng isang tao kaya nagkaroon ng problema sa operasyon ng tren.