-- Advertisements --
image 292

Hindi na kailangan pa ang vaccine card sa mga mananakay na babyahe ngayong Undas via Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ngunit, inihayag ni Corporate Affairs and Government Relations Head Jason Salvador na kanilang iminumungkahi na dalhin na din ng mga pasahero ang kanilang vaccination card gayung baka hanapin sa kanilang area of destination ang proof of vaccination.

Dagdag pa nito na makapagbigay din ng peace of mind sa kapwa pasahero ang isang biyahero kung dalhin nito ang kaniyang vaccination card.

Panawagan din ng pamunuan ng terminal na huwag nang magbitbit ng sobrang dami upang hindi na rin mahirapan sa pagbiyahe.

Nauna nang inihayag ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na inaasahan nila ang 150,000 pasahero kada araw ngayong Undas.