Nakadaong na sa Port of Oakland sa California ang Grand Princess cruise na may pasahero na positibo sa coronavirus.
Binakuran ang lugar at nakaantabay ang mga bus at mga eroplano kung saan ang iba rito ay ilalagay sa quarantine, habang ang iba ay pababalikin sa mga bansa kung saan sila nagmula.
Uunahing pababain ang mga pasahero na nagpositibo sa nasabing virus na susundan ng natitirang 2,421 na iba pang pasahero.
Sinabi ni Governor Gavin Newsom, na walang pasahero ang pababain ang ilalabas sa publiko.
Ang nasabing barko na may 21 kumpirmadong novel coronavirus infections ay may kabuuang 3,500 na pasahero at crew na nakahinto sa karagatan ng San Francisco noon pang nakaraang Miyerkules.
Nasa mahigit 500 dito sa mga crew at ilang pasahero ay mga Filipinos.
Ayon naman sa pamunuan ng cruise ship, inaasahang tatagal pa ng ilang araw ang disembarkation.
“Princess has been sensitive to the difficulties the Covid-19 outbreak has caused to our guests and crew. Our response throughout this process has focused on well-being our guests and crew within the parameters mandated on us by the government agencies involved and the evolving medical understanding of this new illness. We not been served with any lawsuit relating to this matter, and we will not comment on any pending litigation,” bahagi pa ng Princess Cruises statement.