-- Advertisements --
Boracay Airport own photo

KALIBO, Aklan – Bumagsak ang bilang ng mga pasaherong dumarating at umaalis sa Kalibo International Airport dahil sa banta ng Coronavirus Disease (COVID 19) noong nakaraang mga araw.

Ayon kay Engr. Eusebio Monserate Jr., manager ng Civial Aviation of the Philippines (CAAP)-Aklan, halos 80% ng mga pasahero ang nawawala bawat araw.

Maliban aniya sa mga international flight, apektado rin ang mga domestic flight.

Subalit may isang airline company ang nagpasya na imbes kanselahin nang lubusan ang kanilang biyahe sa Incheon, South Korea, ay babawasan na lamang ito.

Samantala, sinabi pa nito na lalo nilang hinigpitan ang pag-monitor sa mga pasaherong dumarating sa paliparan.

Ibig sabihin, maliban sa handheld thermal scanner ay obligado ang mga itong mag-fill-up sa health declaration card lalo pa at may naitala ng kaso ng local transmission ng sakit sa bansa.