-- Advertisements --
Matapos ang long weekend, balik Metro Manila na ang mga bakasyunista mula sa kani-kanilang mga probinsya.
Dahil dito ay ramdam na ng mga terminal ng bus ang dagsa ng mga pasahero pabalik sa NCR matapos ang paggunita ng Undas ngayong taon.
Ilang kumpanya naman ng bus mula sa mga terminal sa Baguio, Zambales, at Pangasinan ang fully booked na.
Simula pa kahapon ay ramdam na ang buhos ng mga pasahero pabalik sa NCR.
Bumigat naman ang daloy ng mga sasakyan sa Edsa Cubao sa lungosd ng Quezon dahil sa mga private vehicle na mula sa mga lalawigan.
Ayon sa MMDA, nakakaklat pa rin ang kanilang mga tauhan para umalalay sa lagay ng trapiko sa Metro Manila.