-- Advertisements --

BAGUIO CITY-Marami pa ring pasaway sa Baguio City na hindi tumutupad sa “Plastic and Styrofoam-Free Baguio Ordinance”.

Layunin ng ordinansa na ipagbawal ang paggamit ng plastik ng mga mamamayan o ng mga establisyemento sa lunsod.

Ayon kay Eugene Buyucan, officer-in-charge ng Baguio City General Services Office, marami pa rin ang gumagamit ng plastik sa kabila nang mas mahigpit na implementasion ng ordinansa.

Batay sa assessment, kabilang din sa mga lumalabag sa ordinansa ang ilang mga turista na hindi nakakaalam sa alituntunin.

Sakop ng ordinansa ang lahat ng business activities at establishments sa Baguio City gayundin ang city government, mga paaralan at mga opisina.