-- Advertisements --
Pinaghahandaan na umano ng Department of Health (DOH) ang posibleng post-holiday surge ng COVID-19 cases.
Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III, kabilang sa kanilang inihahanda ang mga medical facilities para sa mga magpo-positibo pagkatapos ng holiday season.
Ayon kay Sec. Duque, paulit-ulit ang kanilang paalala na iwasan muna ang mga Christmas parties, mass gatherings at caroling ngayong Kapaskuhan para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Una ng inihayag ni DILG Sec. Eduard Año na ipinagbabawal ang mga nasabing pagtitipon ngayong holiday at kung magkaroon ng salu-salo, dapat ang pamilya na lamang at huwag mag-imbita ng ibang kamag-anak at kapitbahay.