Nagkansela ng pasok ang ilang mga opisina ng gobyerno dahil sa pag-alburoto ng bulkang taal sa Enero 13, 2020.
Sinuspendi ni Chief Justice Diosdado M. Peralta, ang trabaho sa lahat ng korte sa National Capital Judicial Region (NCJR) para na rin sa kaligtasan at kalusugan ng karamihan.
Pinayuhan din nito ang mga Presiding Justices at Executive Judges na tiyaking ligtas ang mga Hall of Justice, pasilidad nito, kabilang ang court records.
Kapwa rin sinuspendi nina Senate President Tito Sotto at Speaker Alan Peter Cayetano ang pasok ng mga empleyado ng Senado at House of Representative sa araw ng Lunes.
Maging ang trabaho sa Commission on Audit sa Metro Manila at Calabarzon region ay sinuspendi dahil sa pag-alburoto ng taal volcano.
Kinabibilangan sa mga suspendido ang pasok ay ang probinsiya ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Inatasan na rin Manila City Mayor Isko Moreno ang kanselasyon ng pasok ng mga empleyado ng city hall.
Ito ay dahil sa umabot na rin sa lugar ang mga abo na ibinuga mula sa taal volcano.