-- Advertisements --

ILOILO CITY – Suspendido ang klase sa Iloilo City at sa ilang bayan sa Iloilo Province bunsod ng masamang panahon.

Sa Iloilo City, sinuspende ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang klase mula pre-school hanggang senior high school.

Sa Iloilo Province naman, kabilang sa mga bayan na nagsuspende ng klase ay ang sumusunod:

1st District:
-Miag-ao, San Joaquin, Oton, Guimbal,

2nd District:
-Zarraga, Pavia, Leon, Alimodian, San Miguel, New Lucena, Sta. Barbara,

3rd District:
-Janiuay, Calinog, Badiangan, Maasin, Bingawan, Pototan, Mina, Lambunao

4th District:
Barotac Nuevo, Dumangas, Dueñas, Banate

5th District:
Balasan, San Rafael

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Jerry Bionat, pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, sinabi nito na itinataas na ang Orange rainfall advisory sa lalawiga kung saan inaasahang makakaranas ng 15 mm hanggang 30 mm na buhos ng ulan.

Nagbabadya na ang baha sa mga pamayanang ito.

Ayon kay Bionat, ang nararanasan ngayon sa Iloilo ay ang habagat na mas lumalakas kapag mayroong Bagyo sa karagatan bahagi ng pasipiko.