-- Advertisements --
image 132

Inaabangan na ng mga taga-suporta ng bawat koponan sa iba’t ibang bansa kung sino nga ba ang makakapasok sa semi final sa nagaganap na preliminary competion.
Una ng pinakita ang swimwear round at ang pangbato ng Pilipinas na si Celeste Cortesi ay super hot sa suot na pink bikini na may kapa ng swimsuit portion ng Miss Universe 2022.

Ang personalized cape ni Cortesi ay sumisimbolo sa highlights at experience ng modelo sa kanyang outreach program sa marawi kung saan tumutulong siya sa mga kabataan at pamilya ng mga ito upang mas marinig pa ang boses ng kahirapan.

Ang preliminary competition ay nagkaroon ng parade ng lahat ng delegates sa swimwear na idinisenyo ni 1995 Miss World Jacqueline Aquilera mula sa Venezuela, at “Maureen” na sapatos ng Filipino shoemaker na si Jojo Bragais.

Isa-isang naglalakad ang mga kandidata sa kanilang mga evening gown at talaga namang hindi nagpahuli ang italian-model na si Celeste Cortesi sa kanyang gracefully walked suot ang kanyang shimmery silver dress.

Inaabangan na rin ang National costume na gaganapin ngayong araw, at kung ano nga ba ang disenyo na suot ng iba’t ibang kandidata.

Ang 71st Miss Universe coronation ay magaganap sa January 14, sa New Orleans Morial Convention Center sa Louisiana.