-- Advertisements --

Muling itinaas ng Beijing ang kanilang alert level sa second highest degree matapos umakyat ng 106 ang bagong kaso ng coronavirus disease sa China.

Ipinag-utos na rin ng mga otoridad ang pagsasara simula bukas ng mga elementary at junior high schools kahit pa kabubukas lamang ulit ng mga ito.

Sinimulang ibalik sa normal ang buhay sa China noong Hunyo 6 matapos ibaba ang emergency response level dito.

Kamakailan lamang ay nagpa-alala si World Health Organization’s top emergencies expert Michael Ryan sa mga hamon na haharapin ng China dahil sa muling pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang biglang pagtaas ng coronavirus case sa bansa ay nagmula umano sa isang wholesale food market sa Beijing. Dahil dito ay isinara muna ang palengke at isasailalim sa COVID-19 test ang nasa 200,000 katao na bumisita sa naturang lugar simula noong May 30.

Apat na kaso naman ang naitala sa Hebei Province at isa naman sa Sichuan Province kung saan hinihinalang ang mga ito ay nanggaling din sa nasabing palengke.