-- Advertisements --

Naging ligtas sa pananalasa ng bagyong Carina ang lahat ng persons deprived of liberty (PDL) o inmates na nasa Bureau of Corrections (BuCor) ganun din ang mga personnel nila mula sa iba’t-ibang prison facilities at penal farms.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr na naging minimal lamang ang mga damyos sa perimeter fence ng Correctional Institution for Women (CIW) sa lungsod ng Mandaluyong.

Agad naman nila itong naresolba mula ng makatanggap ng impormasyon na mayroong sira ito.

Noong umaga pa lamang ng Miyerkules ay inilagay na ni Catapang sa heightened alert status ang lahat ng operating prisons and penal farms (OPPFs) na nasasakupan ng BuCor mula sa pagdating ng bagyo hanggang ito ay tuluyang makalabas ng bansa.