-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nakatanggap na ng bakuna ang mga senior citizen at with comorbidity na mga person deprived of liberty (PDL) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Cauayan City

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Jail Chief Insp. Bonifacio Guitering, District Jail Warden ng BJMP Cauayan City, na sa mahigit 200 mga PDL ng BJMP Cauayan City nasa 50 dito ang nabigyan na ng kanilang first dose na bakuna.

Noong araw ng Miyerkules, isinagawa ang pagbabakuna sa mismong piitan at pawang senior citizen at with comorbidity na PDL ang 50 nabakunahan.

Para naman sa iba pang mga PDL ay ire-request for schedule din nila ang mga ito upang sila naman ang susunod na mabakunahan.

Umabot sa 16 na kawani umano ng Cauayan City Health Office ang pumasok sa loob ng BJMP Cauayan para mabakunahan ang 50 PDLs at mabilisan ang kanilang isinagawang pagbabakuna.

Maayos naman aniya ang lagay ng mga nabakunahan gayundin sa iba pang mga PDL kaya at tiniyak ni J/C Insp Guitering sa mga pamilya at kamag-anak ng mga PDL na nasa healthy conditions ang mga nabakunahan at mayroong nurse na araw-araw na nagmo-monitor sa kanila.

Samantala, mahigpit p rin naman umanong ipinagbabawal sa loob ang pagbisita sa mga PDL ng kanilang mga kamag-anak bilang pag-iingat sa COVID-19 ngunit pinapahayagan naman ang videocall para makausap ng mga PDL ang kanilang pamilya.