-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Pinagsisikapan ngayon ng mga persons deprived of liberty (PDL) sa Legazpi City District Jail na makagawa ng mga parol para makatulong sa pamilya at sa mga apektadong residente ng mga pagbaha sa Cagayan at Isabela.
Ang mga parol ay simbolo ng pag-asa kung saan inaasahan rin na makakatulong para sa mga ito.
Mismong ang mga PDL ang gumawa ng mga parol na may simpleng disenyo at ilaw.
Nagkakahalaga imula P85 ang mga parol na walang ilaw habang hanggang P1,200 rin sa mga set.
Batay sa BJMP Legazpi na sa ganitong paraan, hangad ng mga ito na maipadama ang pagmamahal sa mga kababayan.