-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Ikinakabahala umano ngayon ng Tacloban City Health Office ang pagiging talamak ng mga pekeng anti-rabies vaccine sa lungsod.

Ayon kay Dr. Jaime Opinion, head ng Tacloban City Health Office, dahil sa kakulangan ng supply ng anti-rabies vaccine, may ilang namamantala sa pagbebenta ng mga pekeng bakuna.

Dagdag pa nito, ang isang taong nakakagat ng aso ay kailangan maturukan ng tatlong shots ng anti-rabies pero dahil sa kakulangan sa suplay nito sa lungsod hanggang dalawang turok lang ang naibibigay at ang pangatlong shot ay kailangan nang bilhin ng mga pasyente.

Agad namang nagpalabas ng paalala ang city health office sa publiko na maging maingat at hindi basta basta bumili o magpaturok ng mga hindi otorisadong bakuna.