-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang pagbabantay ng kapulisan ng lungsod ng Maynila sa mga nagbebenta ng mga pekeng gamot.
Kasunod ito sa pagkakakumpiska nila ng ilang mga gamot para sa trangkaso na nagkakahalag ng mahigit P1.1-m.
Naaresto ang suspek na si Monique Gamboa ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team sa isang test buy operation sa Sta Cruz, Manila.
Umabot sa mahigit 18,000 na tableta ng mga branded na gamot na pineke.
Naging laganap ang mga pekeng gamot matapos ang kakulangan nito dahil sa tumaas ang demand.
Inaalam pa ng mga kapulisan sa Maynila kung may mga kasamahan pang iba ang suspek sa pagbebenta ng nasabing mga pekeng gamot.