-- Advertisements --
Maagang pamasko ang handog ng Government Service Insurance System para sa lahat ng kanilang mga pensioner.
Aabot kasi sa P3.7B Christmas cash gift ang matatanggap ng kanilang mga eligible pensioner simula Disyembre 5 ng taong ito.
Ayon sa GSIS, aabot sa kabuuang 358,310 pensioners ang kwalipikado sa Christmas cash gift.
Ito ay katumbas naman ng kanilang one-month’s pension na hindi lalagpas sa sampung libong piso.
Direkta namang papasok ang Christmas cash gift sa pamamagitan ng kanilang GSIS eCards.