-- Advertisements --

Nakiusap ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga bangko sa bansa na tanggapin ang mga perang may sira na ipapasakamay sa kanila ng mga tao.

Ayon sa BSP, basta pumasa ito sa minimum requirerments sa laki, pagkakaroon ng security features at hindi sinadya ang pagkasira ang isang pera ay maaari pa itong palitan.

Dapat aniya ay nasa 60 percent ang orihinal na size nito at bahagi pa ang pirma ng pangulo ng Pilipinas o ang BSP governor ay makikita pa rin.

Pinapahalagahan din ng BSP ang pagkakaroon pa rin ng Embedded Security Thread (EST) o ang Windwed Security Thread (WST) maliban kung ito ay nasira dahil sa sunog, tubig, kemikal o kinain na ng anay o mga daga.

Habang hindi nila papalitan ang mga security thread na sinadyang tanggalin.