Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-roll out ng mga permanenteng Kadiwa Stores sa iba’t-ibang research center ng DA-Bureau of Plant Industry (DA-BPI).
Ito ay bahagi pa rin ng pagnanais ng DA na mailapit sa publiko ang flagship program ng DA na naglalatag ng mga murang panindang pang-agrikultura.
Sa inisyal na pag-roll out ng naturang programa, binuksan na ang mga Kadiwa outlets sa ibat ibang mga lugar na permanente nang maglalabas ng mga agricultural products na abot-kaya.
Kinabibilangan ito ng Bureau of Plant Industry(BPI) office sa Guimaras, BPI office sa Los Banos, laguna, Davao, at La Granja, Negros Occidental.
Maliban sa mga naturang lugar, plano na ring magbukas ng iba pang mga outlet, katulad ng Baguio City.
Pagtitiyak ng Bureau of Plant Industry, patuloy ang magiging suporta nito sa naturang proyekto, kasama na ang paghahatid ng kalidad na mga produkto.
Tiniyak din ng DA Attached agency na tutulong ito sa production management, at marketing ng mga produkto ng mga magsasaka.