DAVAO CITY – Ipinaalalahanan ni dating Pangulo at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na kiakailangang bilisan ng mga opisyal ng Davao City Hall ang pagproseso ng mga permit matapos mabatid na bumalik na sa dating sistema ang proseso ng mga tanggapan sa pag-aasikaso ng mga kinakailangang papeles.
Samantala, pinayuhan ni Former President Duterte si City Councilor at dating Bise Mayor Bernard Al-ag na abisuhan ang mga namumuno ng Business Bureau at City Engineering Office na pabilisin ang proseso ng mga kinakailangang permit.
Muling ibinunyag ng dating alkalde na kung mananatili sa opisina ng matagal ang mga kinakailangang dokumento o permit ng mahigit tatlong araw ay magsisimula na ang mga isyu ng katiwalian.
Sinabi ng dating Pangulo na naiintindihan niya na hindi madaling mapahiya ang isang tao ngunit kung paulit-ulit itong gagawin, sana ay babalik ito sa lumang sistema na nakaugalian sa isang tanggapan.