-- Advertisements --
Nakatakdang ibenta sa auctions ang ilang mga personal kagamitan ng yumaong singer na si Bob Dylan.
Ayon sa Juliens Auctions, na ilansa mga memorabillia nito ay ang draft ng kaniyang sikat na kantang “Mr. Tambourine Man”, at ilang mga orihinal na oil paintings.
Aabot aniya sa 50 mga kakaibang artifacts ang nakahanay na ibebenta sa auction.
Inaasahan na ang ilang mga dito ay mabibili ng hanggang $600,000.
Ang nasabing bagay ay personal collection ng journalist na si Al Aronowitz o kilala bilang “godfather of rock journalism” na naging kaibigan ng maraming mga singer kabilang na si Dylan.
Noong 2016 ay ginawaran si Dylan ng Nobel Prize in Literature kung saan nakapagbenta siya ng mahigit 125 milyon records sa kaniyang career.