Patuloy pa rin ng pinaghahanap ng mga otoridad si dating Presidential Spokesman Atty. Harry Roque matapos na ma cite in contempt ng House Quad Committee .
Kaugnay nito ay muling binalaan ng Criminal Investigation and Detection Group ang mga personalidad na nagtatago kay Roque na mahaharap sila sa kasong “Obstruction of Justice” kapag ipinagpatuloy nila ang pagkakanlong sa dating opisyal.
Ginawa mismo ni CIDG Spokesperson Lt. Col. Imelda Reyes ang naturang babala at ibinalita na may development na sa kanilang paghahanap.
Patuloy rin aniya ang pangangalap ngayon ng mga tauhan ng CIDG ng mga kuhang video sa CCTV upang matukoy ang lokasyon ni Roque.
Kung maaalala, sinabi ng PNP na wala silang nakikitang indikasyon na nakalabas na ito ng bansa batay na rin sa datos ng BI.