-- Advertisements --

ILOILO CITY – Hindi pa natatapos ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng Bureau of Fire Protection Region 6 kasunod ng pagtago umano sa kanilang firewoman na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o covid-19 at pag-party sa isla ng Boracay kasama ang nasabing pasyente.

Base sa imbestigasyon na isinagawa ng Local Government Unit ng Iloilo, Hunyo 5 ng dumating sa lungsod si patient 144 mula sa Cebu kung saan sinundo ito ng kanyang boyfriend na isang Fire Officer 1.

Hunyo 6 hanggang Hunyo 7, sumama ang boyfriend ng pasyente sa iba pang personnel ng ahensya kasama din ang dating regional director sa isang private beach house sa Bayo Pequeño, Anini-y, Antique kung saan nag karaoke ang mga ito at uminom ng alak.

Mayroon ding mga pictures na nakalap kung saan makikita na hindi sinunod ang health protocols kabilang na ang pag obserba ng physical distancing a pagsuot ng facemask.