CAUAYAN CITY – Negatibo ang resulta ng drug test ng lahat ng mga personnel ng Cauayan City Police Station sa isinagawang random drug testing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt.Col. Ernesto Nebalasca Jr., sinabi niya na may five focus agenda ang Philippine National Police (PNP) at isa rito ay ang integrity enhancement at sila mismo ang nagsagawa ng inisiyatibo na magkaroon ng random drug test.
Naging maganda ang resulta nito dahil lahat ay negatibo.
Sa pamamagitan aniya nito ay mas maganda ang magiging serbisyo ng kanilang himpilan dahil mas magiging panatag ang mga mamamayan sa lunsod ng Cauayan para sa patuloy na pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot.
Dagdag pa ni Lt.Col. Nebalasca, dito nila maipapakita na malinis ang hanay ng pulisya sa lunsod ng Cauayan.
Magpapatuloy naman ang gagawin nilang drug test para mapatunayan na walang gumagamit sa kanila ng iligal na droga.